To view our Guillermo-Ramirez and Guillermo-Pleto Family Trees, please click here.
Click on the tree, view full-size or download.
Family Matters
Sunday, December 21, 2014
Thursday, December 18, 2014
Mga Samu't-Saring Kuwento ng Matatanda
Ang Manok
Tungkol naman sa kwento ng manok, natutulog kami noon sa
bahay ng Tia Titay Guillermo-Montanano (malapit lang sa elementary school),
nakaulo kami sa aparador. Madaling araw marahil, nang madilat ang aking mata at sa ibabaw ng
aparador ay may nakita akong isang manok na puti at nakatingin sa amin Kuya Menching.
Di namin pinansin at tuloy na lang ang aming tulog. (Rico Eusebio)
Ang Dalawang Hapon
Isa pang kwento mula naman kay Ate Trining Lucido-Ramirez at
Maring.
May 2 Hapon na pumunta sa bahay ni Tia Titay. Sa may pinto sa kusina tinawag ng Hapon si Tia Titay ng ilang beses at lagi namang may sumagot ng "hmm". Kaya't umakyat sila sa bahay sa paniwala na si Tia Titay ang sumasagot. Pero wala namang tao. Kaya't patakbong lumabas 'yong dalawa.
Baka alam din ito ni Kuya Menching. (Rico Eusebio)
May 2 Hapon na pumunta sa bahay ni Tia Titay. Sa may pinto sa kusina tinawag ng Hapon si Tia Titay ng ilang beses at lagi namang may sumagot ng "hmm". Kaya't umakyat sila sa bahay sa paniwala na si Tia Titay ang sumasagot. Pero wala namang tao. Kaya't patakbong lumabas 'yong dalawa.
Baka alam din ito ni Kuya Menching. (Rico Eusebio)
World War II Second Mass Evacuation in Nagcarlan and Massacre in December 1944 (Rico Guillermo Eusebio)
![]() |
The writer in 1960 |
Then it happened that a Japanese truck loaded with soldiers
was coming from the direction of Liliw.
The guerrillas immediately left the town and set up an ambush position
somewhere in Bambang. After a brief stop-over in town, the Japanese proceeded to San Pablo City.
They were ambushed by the guerrillas, almost all were killed, but due to the presence
of mind and skill of the Japanese driver, who was able to drive the truck
outside of his seat and away from the line of fire, he was able to reach San Pablo. Anticipating that the Japanese would conduct
counter operation against the guerrillas and civilians, the residents hurriedly evacuated the town.
We joined the family of Ma Casiano, a neighbor of Tia Titay Guillermo-Montanano
who was then residing near the elementary school. How we came to join Ma
Casiano, I cannot recall. The family of Ma Casiano, Ate Cion Guillermo-Serrano, Tio Teroy Serrano
and I evacuated in Barrio Bunga near a creek and which is now a picnic resort known
as Bunga Falls.
Now the Japanese did return but came from a different direction.
From San Pablo, they traversed the villages of Maravilla, Alumbrado, Bunga, Maiit
and finally the poblacion in Nagcarlan.
Along the way they held captive all men they met and brought them to the
Municipio. When they found out that residents had evacuated, they left after
staying just for a few days. Immediately after they left, the people,
especially relatives of the men captives of the Japanese, went to the Municipio.
There they found freshly-dug ground.
They dug it and found the bodies of all the captives. That whole day, funerals of the dead
massacred by the Japanese were held. Many were buried just bed sheets.
A story or rumor then spread around that one night, an old
man approached an old woman who decided to stay in the market when everybody had
evacuated. The old man who was carrying an
itak asked the woman why she was still in town when everybody had left already.
The woman replied that she's already old and the Japanese would not mind her. The
old man said, "Tanda, wala na kayong aalalahanin, umalis na po ang mga Hapon." None of
this dialogue between the old man and woman had been verified but it spread to
the people of Nagcarlan. Then the story spread that when people returned
home, they noticed that the itak of San
Bartolome was not in its original position with the blade facing upward but instead
it was facing downward.
I was just wandering why today there is no town commemoration or remembrance of that massacre. If my memory serves me right, there were more or less 40 men killed.
Sunday, December 14, 2014
Kasaysayan ng Angkang Guillermo-Ramirez ng Polo, Bulacan at Molinar-Irlanda-Pleto ng Nagcarlan, Laguna
![]() |
Clan Reunion at St. Mary's Academy of Nagcarlan, Dec. 30, 2016 |
![]() |
Clan Reunion at St. Mary's Academy of Nagcarlan, Dec. 30, 2016 |
![]() |
Clan Reunion at St. Mary's Academy of Nagcarlan, Dec. 30, 2016 |
Ang angkang nagsimulang magtipon sa isang family reunion noong Disyembre 30, 1962 ay nagdiriwang ng kanyang ika-52 anibersaryo ngayong Disyembre 30, 2014. Ang unang family reunion ay naganap sa Welfareville kung saan nakadestino ang batang paring si Fr. Dalmacio Eusebio Jr.
![]() |
December 30, 1962 Family Reunion, Welfareville |
![]() |
Dolly Eusebio-Arbilo, Lydia Guillermo-Santos ... Nory Montanano-Monterola, Toniet Bonus-Guillermo, Wenifrida Cortezano-Atienza, Hermila Guillermo Eusebio |
Ngunit ang nakatalang kasaysayan ng angkang ito ay halos dalawang daang taon na. Ayon sa nakasulat na kasaysayan ng angkan, ang mag-anak na Guillermo-Ramirez ng Polo (at marahil ng Meycauayan ), Bulacan at mag-anak na Molinar-Irlanda-Pleto ay pinagtagpo ng tadhana, o higit pa, ng Panginoong Diyos, sa bayan sa paanan ng Bundok ng San Cristobal.
![]() |
Mt. San Cristobal |
![]() |
Nagcarlan Catholic Underground Cemetery, 1845 |
![]() |
Nagcarlan Catholic Underground Cemetery, c. 1965 Tes Eusebio, Herman Arbilo, Didi Atienza |
![]() |
Nagcarlan Catholic Underground Cemetery, c. 1965 Didi Atienza, Herman Arbilo, Tes Eusebio |
Ang Pamilyang Tubong Nagcarlan: Molinar, Irlanda at Pleto
![]() |
Marriage Record of Luis Molinar and Juana Irlanda, 24 January 1854 |
Ayon sa Talaan ng Kasal ng Simbahan ng Nagcarlan, sila ay ikinasal noong Enero 24, 1854. Pawang biyudo at biyuda sila nang mag-asawa. Ang unang asawa ni Luis ay si Manuela Silvestre, at ang kay Juana naman ay si Jose de los Reyes. Sina Anacleta (1855) at Feliz (1862) ang naging anak nina Luis at Juana.
![]() |
Anacleta Irlanda Molinar (Pleto and Guillermo) Cabesang Akleta ng Manaul |
Baptismal Record of Anacleta Irlanda Molinar, 14 July 1855 |
![]() |
Baptismal Record of Feliz Irlanda Molinar, 3 May 1862 |
Ang Mag-anak Mula sa Polo: Ramirez at Guillermo
![]() |
Fr. Esteban Ramirez Guillermo |
Ang anak nina Eusebio at Justa na si Esteban ay pumasok sa Real Seminario Conciliar de San Carlos (na ngayon ay San Carlos Seminary) upang sundin ang tawag ng Diyos na maging pari. Noong panahong iyon, ang San Carlos ay nasa Intramuros sa Real de Palacio St. (na ngayon ay General Luna Street).
Noong 1872, noong si Esteban ay may 10 taong gulang ay naganap ang Cavite Mutiny. Nag-aklas ang mga Pilipinong sundalo at manggagawa laban sa pamahalaan ng mga Kastila, tanda ng pag-init ng diwang nasyonalismo. Dahil malaki ang tulong ng mga paring Pilipino upang lumaganap ang diwa ng nasyonalismo sa mga mamamayan, gumawa ng paraan ang mga Kastila upang mahuli at masakdalan ng parusang kamatayan ang tatlong mga paring Pilipino: sina Padre Mariano Gómez, José Burgos, and Jacinto Zamora. Isinulat ni José Rizal ang kanyang El Filibusterismo para sa alaala ng Gomburza.
![]() |
Arsobispo Pedro Payo y Piñeiro, O.P. |
Bilang isang batang pari, si Fr. Esteban ay nadestino sa Nagcarlan, Laguna bilang katuwang na pari ng mga Paring Pransiskano sa Parokya ng San Bartolome. Sa panahong ito sa kasaysayan, ang mga paring Pilipino ay maari lamang maglingkod bilang katuwang at hindi kura paroko, isang katungkulan na para mga orden ng mga relihiyoso (religious orders) na noong ay pawang mga Kastila lamang.
Mula Polo Hanggang Nagcarlan
![]() |
Petra Ramirez Guillermo |
![]() |
Petra Ramirez Guillermo |
Bilang bagong pari sa Nagcarlan, marahil ay naikuwento ni Fr. Esteban sa kanyang mga kamag-anak sa Polo ang kagandahan ng bayan ng Nagcarlan – ang sariwang hangin at saganang malinis na tubig mula sa bundok, atbp. Napadayo na rin sa Nagcarlan ang pinsan ni Fr. Esteban na si Mariano Ramirez (marahil ang ama ni Mariano ay kapatid ni Justa Ramirez, ina ni Fr. Esteban at mga kapatid).
Bilang isang pari, si Fr. Esteban ay naglingkod rin sa bayan ng Magdalena at Paete hanggang sa kanyang kamatayan noong 27 Nobyembre 1908 sa edad na 46 taon. Kura paroko siya ng Paete noong siya inatake sa puso (angina en el pecho ayon sa kanyang death record sa Paete).
Death Record of Fr. Esteban Guillermo, Paete Church, November 28, 1908 |
Pamilya Pleto: Melecio Pleto at Anacleta Molinar
Si Melecio Pleto, anak ni Miguel Pleto at Maria Platero, ang unang asawa ni Anacleta Molinar. Nabunga ng 4 na ang anak ang kanilang pagsasama: sina Andrea (1871), Vicenta (1874), Lope (1875), Aurelio (1877) at Diego (1878).
![]() |
Baptismal Record of Vicenta Molinar Pleto, 24 January 1874 |
![]() |
Baptismal Record of Diego Molinar Pleto, 13 November 1878 |
Napangasawa ni Diego si Marcelina Bautista at ang kanilang naging anak ay sina Dioscoro, Elvira at Felizardo. Napangasawa ni Dioscoro si Amparo Aro. Ang kanilang mga naging anak ay sina Dioscoro Jr., Prosperidad, Oscar, Freny at Celso. Si Elvira naman ay napangasawa ni Felix Coronado. Sila raw ay nagtananan sa panahon ng Simbang Gabi. Sina Ellen, Dan, Piedad, Boy, Nanie, Tessie at Ching ang kanilang naging anak.
![]() |
Elvira Pleto, Miss Garden Day Nagcarlan |
Si Vicenta ay mapangasawa ni Bonifacio Ramirez. Ang kanilang mga naging anak ay sina Eulalia Ramirez (1899), Deogracias Sr. o Gracias (1901), Vicente (1904) at Jose o Pepito (1905). Marahil sina Eulalia at Vicente ay maagang namatay.
Walang kaalaman ang pamilya tungkol sa naging buhay nina Andrea, Lope at Aurelio Pleto.
Pamilya Guillermo: Melecio Guillermo at Graciana Kapiral; Bonifacio Guillermo at Anacleta Molinar
Si Petra, ang nag-iisang kapatid na babae nina Fr. Esteban, Bonifacio at Melecio (naiwan sa Bulacan), ay nanatiling soltera sa kanyang buhay.
Si Melecio ay nakapangasawa ng isang Bulakenya na si Graciana Kapiral. Ang isa nilang anak na lalaki, si Gregorio, ay sa Nagcarlan na lumaki at nagbinata, bagaman ang kanyang mga magulang na sina Melecio at Graciana ay hindi nanirahan sa Nagcarlan. Walang kalinawan kung bakit si Gorio ay nanirahan sa Nagcarlan. Marahil siya ay maagang naulila kaya’t isinama siya sa Nagcarlan. Gayunpaman, siya ay nagsilbing kasa-kasama at sakristan ng kanyang tiyo na si Fr. Esteban.
Nakilala ni Gorio, napaibig at napangasawa ang isang dalagang taga-Nagcarlan na si Valeriana Urrea (1886). Ang kanilang naging mga anak ay sina Ferrer, Eduardo, Robinoso, Lydia at Reynaldo.
![]() |
Gregorio Kapiral Guillermo at Valeriana Urrea-Guillermo |
Si Bonifacio ang ikalawang kapatid na lalaki ni Fr. Esteban. Sa Nagcarlan, nakilala ni Bonifacio ang biyuda ni Melecio Pleto na si Anacleta (1855), anak ni Luis Molinar Andres na taga-Manaol at Juana Irlanda Estevan na taga-Calumpang. Tatlong babae ang kanilang naging anak, sina Concepcion (1889), Teresa (1891) at Justa (1894). Napangasawa ni Concepcion si Sotero (Teroy) Serrano. Napangasawa ni Justa si Jose Montanano. Si Nory Maria Merced ang kanilang naging anak. Napangasawa ni Teresa si Dalmacio de Jesus Eusebio (1898) ng Los Banos at Pandacan at 5 ang kanilang naging anak: sina Wenifrida, Hermila, Dolores, Dalmacio at Enrico.
![]() |
Ancestral House along Mabini St., Poblacion, Nagcarlan |
![]() |
Ancestral House along Mabini St., Poblacion, Nagcarlan |
![]() |
Dalmacio Eusebio, Escuela Catequistica de Pandacan, 1901 |
![]() |
Teresa, Concepcion and Justa Molinar Guillermo with the Ladies of Nagcarlan |
Teresa Molinar Guillermo-Eusebio |
Justa Molinar Guillermo-Montanano Concepcion Molinar Guillermo-Serrano |
![]() |
Cion, Tisang at Titay |
![]() |
Ancestral House along Mabini St., Poblacion, Nagcarlan |
Pamilya Ramirez: Mariano Ramirez at Vicenta Hernandez
Maliban sa magkakapatid na Fr. Esteban, Bonifacio, Petra at Melesio Guillermo, ang pinsan nilang si Mariano Ramirez ay napadako din sa Nagcarlan mula Polo o Meycauayan upang doon manirahan. Ang ama ni Mariano ay marahil kapatid ni Justa Ramirez, ang ina ng magkakapatid na Guillermo.
Napangasawa ni Mariano si Vicenta Hernandez (1859) at apat ang kanilang naging anak: sina Natalia (1891), Bibiana (1892), Alejandra (1880’s) at Bonifacio (1880’s).
Napangasawa ni Natalia si Hugo Poon (1887). Nanirahan ang mag-asawa sa Calumpang. Walang impormasyon tungkol sa kanilang naging mga anak at angkan.
Si Bibiana ay napangasawa una, si Pascual Montanano (1886), at marahil nang nabiyuda ay napangasawa naman ang chino na si Co Paco ng San Pablo, na gumamit ng apelyidong Kristiyano na Jacobo. Sa San Pablo nanirahan si Bibiana Jacobo. Si Olympia ang naging anak nila.
Si Alejandra Ramirez ay napangasawa ni Ramon Mia at sa Maiit, Nagcarlan sila nanirahan. Sina Arsenio, Guillermo at Carmen ang kanilang naging anak. Noong pananakop ng mga Hapon, sa Maiit nag-evacuate ang pamilya ni Tisang at Masyong Eusebio, sina Weny, Mila, Dolly, Menching at Rico, at ang pamilya ni Trinidad Ramirez na sina Deo, Cesy at Teddy.
Napangasawa ni Arsenio (Senio) si Clementa (Intang); at si Guillermo (Imong), si Tonang. Ang naging asawa ni Carmen (Mameng) ay si Sebastian (Bastian) Pompa, isang sarhento na namatay sa Battle of Bataan noong gera. Pinsang buo nina Senio, Imong at Mameng Ramirez sina Deogracias Sr. at Pepito Ramirez.
![]() |
Sgt. Sebastian Pompa |
Si Bonifacio Ramirez naman ay napangasawa si Vicenta Pleto (1874), na anak ni Anacleta Molinar sa unang asawa na si Melecio Pleto. Ang kanilang mga naging anak ay sina Eulalia Ramirez (1899), Deogracias Sr. o Gracias (1901), Vicente (1904) at Jose o Pepito (1905). Marahil sina Eulalia at Vicente ay maagang namatay.
![]() |
Second from the right: Pepito Pleto Ramirez, Saxophone. Circa 1920's |
![]() |
Baptismal Record of Eulalia Pleto Ramirez, July 5, 1899 |
![]() |
Baptismal Record of Deogracias Pleto Ramirez, June 29, 1901 |
![]() |
Baptismal Record of Jose Pleto Ramirez, June 25, 1905 |
![]() |
Baptismal Record of Vicente Pleto Ramirez, May 26, 1904 |
Napangasawa ni Deogracias si Trinidad Lucido at naging anak sina Deogracias Jr. at Cesar. Nang mabiyuda si Trining ay napangasawa niya ang kapatid ni Gracias na si Pepito at si Teddy ang kanilang naging anak.
73 Years Ago in Dec. 1941:
Our Evacuation from Pandacan, Manila
to Maiit, Nagcarlan with the Mia-Ramirez Family
by Rico Guillermo Eusebio
![]() |
The writer, with nephew Val Atienza and sisters Dolly and Mila. Photo taken in Pandacan circa 1945. |
This is my account of our evacuation to Maiit in December, 1941 as far as I can recall. The Mia family graciously hosted all of us.
World War II started on December 7, 1941 when the Japanese bombed Pearl Harbor. Many people of Manila decided to evacuate for fear of the Japanese atrocities when they come and occupy Manila. On December 8, we decided to evacuate to Nagcarlan, the hometown of my Nanay Teresa, via train at Paco station. The family of Tia Idang and Tio Primo Inocencio, our neighbors in Pandacan, decided to join us because they had nowhere to go. At the Paco Train Station, we could not be accommodated since all trains were full. So Ate Cion (Concepcion Guillermo-Serrano), for fear that we had no means of transportation, sent a truck to Manila from Nagcarlan. So we were able to evacuate together with the Inocencio family. On the way, I saw dog fights between Japanese fighter planes and Philippine Army Air Corp. fighter planes. We came to know later on that the PAAC fighter planes were piloted by then Capt. Jesus Villamor after whom the present Villamor Airbase is named. The Basa Airbase in Lipa City was named after a certain then Lt. Basa. They were heroes who downed several Japanese planes.
At the poblacion in Nagcarlan, I could recall that the Inocencio family was accommodated in the Monserrat family residence at the corner of Mabini St. and Rizal Ave (main road where jeepneys pass today). A few days later Tio Teroy, the late Sotero Serrano, husband of Ate Cion, and who was then working at the Bureau of Customs (Aduana) arrived and asked why we were still in the town when we should have evacuated to rural areas because the Japanese were then coming.
And so, we evacuated to Maiit with the families of Tio Ramon and Tia Alejandra (Ramirez) Mia and their children. The Inocencio family, and perhaps also Tia Titay Montanano (with Nory) stayed with Tio Ramon and Tia Alejandra. We the family of Tatay Masyong and Teresa Eusebio (Weni, Mila, Dolly, Menching, Rico) stayed with Kuya Imong (Guillermo Mia). Then already widowed Ate Trining Ramirez, with her sons Deo, Cesy and Teddy (then an infant), and I think also Ate Cion and Tio Teroy Serrano, stayed with Kuya Senio Mia in Barrio Palayan.
The house of Kuya Imong was about 500 meters from the house of Tio Ramon Mia. Palayan is about a kilometer from Maiit. At that time in Kuya Imong's house were Ate Tonang and her brother Berto (Liberato) and in Tio Ramon's house were Ate Mameng (Carmen Mia-Pompa), whose husband the late Sgt. Sebastian Pompa, and who we call Kuya Bastian, was killed in the Battle of Bataan, if I am not mistaken. Ate Mameng's children then were Evelyn and Dario while Kuya Senio and Ate Intang had Coring and Alfredo.
Tio Gorio and Tia Aled Guillermo died a few years before the war. Their children were not with us in Maiit. Cousins Kuya Ferrer, Ruben, Eduardo, Darding, Reny and Ate Lydia, if I'm not mistaken, evacuated to Bgy. Palina, towards Liliw. (Please ask Ate Lydia.)
Our daily activities then were catching frogs in the rice fields, which served as our dinner cooked by Nanay Teresa. I remember Ate Mila falling into the water while catching frogs. We all laughed. We have other farm foods such as fish caught by Kuya Imong in the rivers. All of us experienced these activities.
When the situation then appeared to be normal, we went back to town. That was before Christmas. The Inocencio family continued to stay with the Monserrat family, such that Manoling, the eldest son of Tia Idang Inocencio married Asteria, daughter of Mr. and Mrs. Montserrat.
For a few months, Tia Idang and Nanay Teresa engaged in buying and selling goods from Nagcarlan to Paco, Manila. It was not a successful venture. Finally, we decided to return to Pandacan, Manila together with the Inocencio family with a new daughter-in-law, Aster.
This is the best of my recollection. Ate Lydia and the other elders can provide more information, and anecdotes.
Subscribe to:
Posts (Atom)