Thursday, December 18, 2014

Mga Samu't-Saring Kuwento ng Matatanda


Ang Manok

Tungkol naman sa kwento ng manok, natutulog kami noon sa bahay ng Tia Titay Guillermo-Montanano (malapit lang sa elementary school), nakaulo kami sa aparador. Madaling araw marahil,  nang madilat ang aking mata at sa ibabaw ng aparador ay may nakita akong isang manok na puti at nakatingin sa amin Kuya Menching. Di namin pinansin at tuloy na lang ang aming tulog. (Rico Eusebio)



Ang Dalawang Hapon

Isa pang kwento mula naman kay Ate Trining Lucido-Ramirez at Maring.

May 2 Hapon na pumunta sa bahay ni Tia Titay. Sa may pinto sa kusina tinawag ng Hapon si Tia Titay ng ilang beses  at lagi namang may sumagot ng "hmm". Kaya't umakyat sila sa bahay sa paniwala na si Tia Titay ang sumasagot. Pero wala namang tao. Kaya't patakbong lumabas 'yong dalawa.

Baka alam din ito ni Kuya Menching. (Rico Eusebio)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.